Disclaimer: The following post is not suitable for cowards - and for minors if you may. Reader discretion is advised, so read if you are brave enough. Advance Happy Halloween! Merry Meet!
------------------------
------------------------
BALLPEN
------------------------
BALLPEN
Minsan sa isang anatomy department sa isang kilalang unibersidad sa Maynila, may propesor na naiwang nagtatrabaho ng hatinggabi. Kilala ang guro sa pagiging matipuno, ngunit mainitin ang ulo at madaling magalit. Habang subsob sa trabaho, aksidenteng nahulog ang kanyang ballpen malapit sa stretcher kung saan may bangkay na nakahiga.
Pagkasabi ng kataga ay sabay sipa sa stretcher ang ginawa ng guro. Umusad ito palayo, at siya namang dukwang nya para abutin ang nahulog na ballpen. Nang siya'y dumukwang, may nakita syang pares ng naaagnas na binti at paa na nakatayo malapit sa bagay na kanyang kukunin. Sa kanyang ikinagimbal, ang bangkay ay andun na nakatayo sa kanyang harap, ang mga mata nanlilisik ang tingin sa kanya. Nagsisigaw na tumakbo paalis ng anatomy department ang guro.
Makalipas ang ilang sandali, ininspeksyon ng guwardiya ang nasabing lugar. Nagitla ito ng makitang ang desk ng guro ay magulong-magulo, at lahat ng ballpen ay bali sa gitna. Sinilip nya ang stretcher, naroon naman ang bangkay.
Pagkauwi kinabukasan ng guwardiya matapos ang kanyang night shift, sinalubong sya ng kanyang anak sa pintuan.
Sabay angat ng bata ng kanyang kanang kamay, hawak ang isang piraso ng ballpen.
PROF:
Bwisit..

###

ANAK:
Tay, tay! May bisita po kayo kanina, kaso umalis na, may regalo pa nga sa'ken.
Tay, tay! May bisita po kayo kanina, kaso umalis na, may regalo pa nga sa'ken.
Sabay angat ng bata ng kanyang kanang kamay, hawak ang isang piraso ng ballpen.
GUARD:
Asan sya anak?
ANAK:
Umalis na din po agad itay, babalik na daw sya sa stretcher, saan ba yung stretcher 'tay?