Showing posts with label bob. Show all posts
Showing posts with label bob. Show all posts

Saturday, May 3, 2008

Sa mga nangangarap.. SA MGA PINOY.

Mangarap ka at abutin mo 'to. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.

Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n'ya ng pera, o gusto n'yang sumikat, o gusto n'ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga 'to, tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s'ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n'yang pagbutihin ang pagkatao n'ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala s'yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon..

- Bob Ong,
  Stainless Longganisa
  2005