Bahala ka kung paano mo iintindihin ang tanong ko, at mas lalong bahala ka kung isasalamin mo ba rito sa mga sasabihin ko ang pagkatao mo. Inuulit ko: bahala ka.
Pala-kaibigan, isa yan sa mga natatanging ugali na meron ako na talaga namang ikinagigiliw ng lahat. Pakiramdam ko nga, hindi buo ang karakter ko sa istorya ng buhay ko kung wala sa akin ang katangian na yan. Sabihin man nating natural iyon sapagkat wala akong kinamulatang kapatid, ngunit nangingibabaw pa rin para sa akin ang mabuting naidudulot ng katangian kong iyon.
Marami akong kakilala. Marami na akong nakilala. Marami rin akong gustong makilala.
Karamihan sa mga kilala ko ay lapitin ng suwerte. Hindi ko lubos maisip kung sadya bang malas ako o ano, pero iba ang kapit ng suwerte talaga sa kanila. Tipong mananalo't-mananalo talaga sa bawat pa-raffle na masasalihan. Saya di ba?
Meron din namang ilan, na sana ay hindi talaga ako kabilang sa kanila, na lapitin ng kamalasan. Aaminin ko, pabaya ako - sa loob ng isang araw ay hindi pwedeng hindi ako mabunggo doon o matalisod diyan kahit isang beses lang - ngunit hindi naman siguro iyon kasing malas ng tulad sa iba pang kakilala ko. Siguro hindi ko na dapat banggitin pa ang mga kamalasang iyon.
Mangilan-ngilan naman ang lapitin ng engkanto, espiritu, at kung anu-ano pang lamang lupa. Matawa ka man sa nasabi ko, pero wala akong pakialam na sasabihin sa'yong naniniwala ako sa kanila. Hindi ito biro, hindi ito drama. Nasa sa iyo rin naman kung maniniwala ka - pero doble ingat din sana. Mabuti na ang takot at handa kesa sa matapang at tanga.
Yung iba naman ay lapitin ng babae, pero hindi naman babaero; lapitin ng lalaki, pero hindi naman lalakero; lapitin ng bakla/tomboy, pero ano, kuwan, basta. Mag-isip ka na lang.
Marami pa akong kakilala na lapitin ng kung anu-ano pa, pero hindi na ako magbabanggit pa't baka abutin tayo ng umaga. Basta ako, alam ko sa sarili ko na lapitin din ako. Tinatanong mo kamo kung lapitin ako ng ano? Sige. Pero bawal tumawa. Peksman?
Lapitin ako ng taong may tali - nakatali ang puso, utak, kamay, at lahat pa ng bahagi ng katawan na pwedeng itali; nakatali ang prinsipyo, pananaw, at pagmamahal.
Oo, hindi ko rin alam ang kasagutan kung bakit at pagod na akong ulit-ulitin ang tanong na "bakit?". Isa lang ang akin: Ayaw kong manira ng buhay ng may buhay - minsan ko ng nagawa, kaya't ayaw ko ng ulitin pa.
Ikaw, lapitin ka din ba? Ingat ka - bahala ka.
\m/

4 comments:
naks, lapitin ng tali.. ;p ako lapitin ng murang bilihin.. hahaha! kaya mahilig sa tiangge.. ;p
hindi eh.hehehehe
Nakuha mo ang punto TF!
Lapitin ka rin!
=)
\m/
Di ka lapitin ng kahit ano???
Hmm..
\m/
Post a Comment