Sunday, October 19, 2008

SPOOKY NIGHT 10/19/08


Disclaimer: The following post is not suitable for cowards - and for minors if you may. Reader discretion is advised, so read if you are brave enough. Advance Happy Halloween! Merry Meet!

------------------------
------------------------

RED EYE

Isang gabi sa isang kilalang campus sa kamaynilaan, isang baguhang propesor ang sinubok ang kadiliman ng campus sa gabi. Inabutan sya ng isang napakalakas na ulan. Dahil sa walang dalang panangga kahit payong, napilitan syang tumakbo sa pinaka-malapit na building upang sumilong.

GUARD:
Sir, gabi na po. Bakit andirito pa kayo?

PROF:
Ginabi ako sa papers ko hijo, makiki-silong muna ako dito.

GUARD:
Sige ho..

Makalipas ang ilang oras, mas lalong bumuhos ang malakas na ulan. Pasado alas-dose na ng hatinggabi.

PROF:
Baka dito na ako magpa-umaga hijo, may kwarto ba diyan na bukas? Dun na lang muna ako.

GUARD:
Meron sir, pero patay na ho lahat ng ilaw, hindi na pwede buksan.

PROF:
Sige ok lang iyon..

Sinamahan ng guwardiya ang guro sa ika-tatlong palapag, at pumasok sila sa unang kwarto sa kanan. Madilim, walang ilaw, wala ni kahit aninag ng buwan. Iniwan ng guwardiya ang guro at nagbilin na kung may kailangan o problema ay sumigaw lamang siya.

###

Makalipas ang ilan pang oras, sa patuloy na pagbuhos ng malakas ng ulan, nainip ang guro. Nagmasid sya sa madilim na silid, naglakad-lakad. Naisipan niyang lumapit sa pinto. Napansin nya ang kung anong kinang na meron sa keyhole - sinilip niya iyon. Wala siyang nakita kundi kulay pula. Nagtataka man, pinilit na lamang niyang makatulog.

###

Kinabukasan..

PROF:
Salamat sa pagpapa-tuloy sa'ken hijo kagabi! Hindi naman pala nakakatakot talaga dito. Sa totoo lang, sinadya kong magpa-gabi talaga. Bago lang ako dito, tinutuklas ko lang kung totoo ang balita ng mga multo dito sa school.

GUARD:
Walang anuman sir! Dito sa building, meron daw po diyan nagmu-multo. Isa lang, pero hindi ko pa nakikita. Sabi nila isang babae daw gumagala sa building na ito. Ayon sa mga nakakita na, nanlilisik daw ang mga mata ng multong babae - pulang-pula.

35 comments:

Joseph Albert Meñez said...

the story was mighty fine - in fact, kinabahan ako and it made me anticipate what will happen next, but when the guard threw his last line, nainis ako. hahah! parang nabitin yung pagkatakot ko. hehe!

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Sure ka ba na-gets mo tlga?
LOL!

\m/

Joseph Albert Meñez said...

uu nagets ko! yung babae yung sumisilip sa kanya. haha!

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Korek!
=)

\m/

'aq c migz ... said...

bbbrrrr.. muxta naman tong blog mo!! wwaaahh.. magtatakip ako ng uan sa muka mamaya!~!

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Aww!
May isa na akong natakot!
Yey!
LOL!

\m/

'aq c migz ... said...

ngek baka duwag lang talaga ko tol.. tnx to ur background music!!! hehe

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Music really helps eno?
LOL!

\m/

'aq c migz ... said...

yep kaya palagay ko covering my face won't help kasi nasa utak ko parin sound.. waahh!!!

'Varian Mazo The Ringleader' said...

LAGOT KA!!!
LOL!

\m/

'aq c migz ... said...

wwwaaahh!! kakatokin ko sila dadi sabihin ko patabe!! huhu duwag eh noh!! hahaha

'Varian Mazo The Ringleader' said...

LOL!!!

\m/

'aq c migz ... said...

hahaha..

Genesis Paredes said...

natakot ako sa sounds!!! hahahaha!!
nai-mute ko tuloy laptop ko ng di oras!!!

'Varian Mazo The Ringleader' said...

OMG!!!
LOLness ate!

\m/

bRixX Ocampo said...

awoooooooooo..
=p

Genesis Paredes said...

takot kaya ako sa mga ganung sounds!!! =))

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Awooooooooooooooooooo din!
LOL!

\m/

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Haha!
Hinanap ko pa tlga yan kanina kaya mejo natagalan ako i-post ito!
LOL!

\m/

Joseph Albert Meñez said...

Var, tapos na ko sa ginagawa ko. hahah! soo like college!.. baka di na ko matulog. haha!

'Varian Mazo The Ringleader' said...

LOL!

\m/

Ralph Jon Ampoloquio said...

spooky iyong last part. iyon lang. haha

Dan Levi said...

Spooky night indeed. (at hinintay ko pa magising ang mga tao dito para basahin to, haha). :D

♥ aika betita said...

hahaha. may naririnig din akong gnanag rumors sa school. creepy. :|

* jec * said...

sabi nila Arts and Letters building daw ito sa UST.... dahil minsan ung mga pintuan dun pinalitan due to building codes kaya binutas ung door knob... and looking more closely into the story... bahain talaga ang school at malimit na may inaabutan ng baha kaya hindi nakakauwi... ;)

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Syempre nandun yung twist..
LOL!

\m/

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Serious???
LOL!

\m/

'Varian Mazo The Ringleader' said...

I know where you're from..
And yes - sa school nyo based ang story na yan..
=)

\m/

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Sad to say - it's not UST..

\m/

* jec * said...

well kanya kanyang claims lng naman yan... its just a heresay...
dahil ba sa malapit na ang Nov 1 kaya mo pinost to?

'Varian Mazo The Ringleader' said...

I chose not to name sa school because - yes - a lot has been claiming na sa school nila ang story na yan..
But I know the very source of the original story, and the infamous school behind it..
Yeah, in celebration for Halloween I guess..

\m/

♥ aika betita said...

Hahaha. Napunta na ko sa building and medyo my feel of creepiness nga dun kasi matanda na. Nonetheless, manong guard will always come to the rescue. wahehehe.

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Really???
Just don't mention your school here, ayt?
LOL!

\m/

Dan Levi said...

Seriously! Haha, I've been reading ghost stories na rin kasi lately. :D

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Ayan kasi..
Haha!

Inis ako, I can't find my collection of ghost stories!
Amp!

\m/

Post a Comment