Wednesday, October 22, 2008

SPOOKY NIGHT 10/22/08



Disclaimer: The following post is not suitable for cowards - and for minors if you may. Reader discretion is advised, so read if you are brave enough. Advance Happy Halloween! Merry Meet!

------------------------
------------------------

CUBICLE

Isang normal na araw sa isang dormitoryong pambabae sa isang sikat na unibersidad sa kamaynilaan, isang bagong saltang estudyante ang tahimik na nagliligpit ng kanyang mga gamit sa inupahang silid. Dahil sa bagong salta, wala pa syang mga kaibigan sa dormitoryo. Makalipas ang ilang oras na pagsasalansan ng mga gamit, nakaramdam ang estudyante ng tawag ng kalikasan. Dali-dali nyang tinanong ang landlady kung saan ang banyo.

GIRL:
Manang, saan ho ang banyo nyo? Naiihi na kasi ako..

MANANG:
Dun sa dulo hija, kaliwa ng kusina. Ingat ka't medyo madulas sa loob.

GIRL:
Salamat po.

Nagmadali ang estudyante sa pagpunta sa banyo. Pagbukas ng pinto..

GIRL:
Aba, may mga cubicle pa pala. Ayos, hindi agawan dito.

Napansin ng dalaga ang ikalawa mula sa dulong cubicle, na animo'y walang gumagamit dahil sa maayos ang pinto nito. Nang kanyang buksan ay malinis naman sa loob nito, di hamak na mas malinis kesa sa naunang dalawang cubicle na nadaanan niya. Walang anu-ano'y ito na ang kanyang ginamit. Habang umiihi, nakaramdam ng kakaibang lamig ang estudyante sa kanyang noo at mukha. Nagtataka man, hinayaan nya na lng ito. Matapos gumamit ng banyo ay malinis nya itong nilisan.

###

Kinagabihan, nakisalamuha sya sa iba pang babaeng boarders. Masaya silang nagkwe-kwentuhan ng kung anu-ano ng may magtanong na isa sa kanya.

BOARDER 1:
Girl, nagamit mo na ba yung CR sa baba? Naku wag ka dun ah, dun ka na lang sa CR natin sa palapag na ito, alam mo na ba kung saan?

GIRL:
Ah, hindi eh. Oo, nagamit ko na yung sa baba kanina. Ok naman sa baba, malinis..

BOARDER 2:
Sigurado ka?

BOARDER 3:
Baka nilinis ni manang..

GIRL:
Ewan ko, pero malinis naman. Doon kasi ako sa cubicle na ikalawa mula sa dulo. Yun ang ginamit ko.

Natigilan ang tatlong boarders at dali-daling pumaikot sa bagong salta, animo'y nakakita ng kung anong nilalang.

BOARDER 3:
Bakit dun ka pa?

BOARDER 1:
Sana yung dito na lang sa taas ginamit mo!

GIRL:
Yun kasi tinuro ni manang, bakit anu ba meron dun?

BOARDER 2:
May nagpakamatay kasi sa dormitoryong ito, nagbigti - doon mismo sa cubicle na ginamit mo. Sabi ni manang, pag naka-upo ka sa toilet bowl nun, sakto sa mukha mo ang paa ng babaeng nagbigti doon.

18 comments:

kaiye roldan said...

por dios por santo!!!

Haroh Garcia said...

merry meet? wiccan ka ba?

Ralph Jon Ampoloquio said...

haha. spooky.

Xeng Selorio said...

waaa.

Joash Gelera said...

sus paa lang pala.. natakot ako gawa nung background music!

' S k y ' said...

hehe! hindi ako natakot var. :) eehehehe!

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Bkit ate?
LOL!

\m/

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Merry Meet!
Before..
Hehe..
Kaw?

\m/

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Indeed..

\m/

'Varian Mazo The Ringleader' said...

LOL!

\m/

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Natakot ka pa rin!
LOL!

\m/

'Varian Mazo The Ringleader' said...

And so..............?
=P

\m/

' S k y ' said...

wala... hahaha! sana ang nangyari eh nagpakamatay siya ng patiwarik. para ulo yung nasa mukha nung uupo sa toilet. :)

mas creepy. hehe! ang korni!!!!

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Paano sya mamamatay kung patiwarik?

\m/

' S k y ' said...

lahat ng blood niya nandun na sa ulo niya. tapos more than 40 days na siyang nakatiwarik. :)

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Ah ok..

\m/

Dan Levi said...

Spooky! More! More! :D

'Varian Mazo The Ringleader' said...

I'm still digging some on my memory box..
Thanks..
=)

\m/

Post a Comment