Thursday, October 30, 2008

SPOOKY NIGHT 10/30/08


Disclaimer: The following post is not suitable for cowards - and for minors if you may. Reader discretion is advised, so read if you are brave enough. Advance Happy Halloween! Merry Meet!

------------------------
------------------------

BALLPEN

Minsan sa isang anatomy department sa isang kilalang unibersidad sa Maynila, may propesor na naiwang nagtatrabaho ng hatinggabi. Kilala ang guro sa pagiging matipuno, ngunit mainitin ang ulo at madaling magalit. Habang subsob sa trabaho, aksidenteng nahulog ang kanyang ballpen malapit sa stretcher kung saan may bangkay na nakahiga.

PROF:
Bwisit..

Pagkasabi ng kataga ay sabay sipa sa stretcher ang ginawa ng guro. Umusad ito palayo, at siya namang dukwang nya para abutin ang nahulog na ballpen. Nang siya'y dumukwang, may nakita syang pares ng naaagnas na binti at paa na nakatayo malapit sa bagay na kanyang kukunin. Sa kanyang ikinagimbal, ang bangkay ay andun na nakatayo sa kanyang harap, ang mga mata nanlilisik ang tingin sa kanya. Nagsisigaw na tumakbo paalis ng anatomy department ang guro.

###

Makalipas ang ilang sandali, ininspeksyon ng guwardiya ang nasabing lugar. Nagitla ito ng makitang ang desk ng guro ay magulong-magulo, at lahat ng ballpen ay bali sa gitna. Sinilip nya ang stretcher, naroon naman ang bangkay.

###

Pagkauwi kinabukasan ng guwardiya matapos ang kanyang night shift, sinalubong sya ng kanyang anak sa pintuan.

ANAK:
Tay, tay! May bisita po kayo kanina, kaso umalis na, may regalo pa nga sa'ken.

Sabay angat ng bata ng kanyang kanang kamay, hawak ang isang piraso ng ballpen.

GUARD:
Asan sya anak?

ANAK:
Umalis na din po agad itay, babalik na daw sya sa stretcher, saan ba yung stretcher 'tay?

19 comments:

O My! It's JOHN . said...

it's not that scary though. :))

EE manzon said...

un lang? bitin... hehehe

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Yeah..
Thanks for reading..
=)

\m/

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Aww..
Bitin sya tlga eh..
Hehe..

\m/

unstoppable . said...

boohoohooo!!!!
wow nman...
hehehe
ndi alm ng bata ung stretcher..ehehehe

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Ewan ba diyan sa anak nya!
Hindi ata nag-aaral mabuti!
LOL!

\m/

EE manzon said...

kala ko may sunod pang parts na mala shake rattle and roll... tapos ang title pa ay isang bagay din...hehehehe

Dan Levi said...

More more more! :D

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Ay..
Wala sa koleksyon ko yung ganyang tipo ng storya, screenplay?
LOL!
=P

\m/

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Saya-saya mo huh!
LOL!

\m/

Genesis Paredes said...

andami mong spooky stories...

O My! It's JOHN . said...

yur welcome. :))
gwa kpa.
un nkakatakot tlga!
as in ung d mu na bbsahin ulit dhil sobrang scary!!! :D

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Madami ako sa baul ate..
Yung iba nga korni kaya ayaw ko i-post!
LOL!

\m/

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Ay hindi ako may gawa ng mga yan..
That's from my collection during my high school days..
=)

\m/

Genesis Paredes said...

lol.. ako rin madami...
bukas ulit... or mamya... hehehe

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Isa kasi yan sa kinokolekta ko before..
I have this compiled nga thru internetm, yun as in talagang very spooky..
Too bad I can't find it na..

\m/

Genesis Paredes said...

sayang naman...

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Kaya nga eh..
Hehe..

\m/

' S k y ' said...

gawa ka pa var. yung super katakot. :)

Post a Comment