Sa buhay, kelangan mong matutong magpakabuhay para ika’y mabuhay.
CHAPTER 1: Tatlong Buwan Matapos Magtapos
Alas-sais ng umaga. Nagising si Wan mula sa kanyang mahigit-kumulang dalawang oras na paghilik dahil sa tunog ng kanyang alarm clock.
Alarm Clock:
Wan!!! Gising na!!! Akala ko ba’y lalakad ka ngayon para maghanap ng trabaho?!
Mula pa noong siya ay nag-aaral, mula uhuging elementarya, pa-kyut na high school, at pahirapang kolehiyo, ang kanyang inang si Ding na ang epektibo niyang alarm clock tuwing umaga. Wala itong palya – mula sa pagsigaw hanggang sa paghaltak sa kanya sa
Mama Ding:
Wan, anu ba?! Bumangon ka na sabi eh.
Wan:
Yes andiyan na po.
Lulugu-lugong pilit na tumayo si Wan mula sa pagkakahiga, at pasuray-suray na lumakad palabas ng kwarto patungo sa hapag-kainan. Pagkaupong-pagkaupo ay ginawa nya na agad ang nakagisnan na tuwing pagkagising sa umaga – ang tumunganga sa wala. Ilang minuto rin niyang pinagmasdan ang placemat, plato, kutsara, baso, at ang buong mesa bago nagsimulang kumilos para kumain.
Wan:
Ma, tutuloy ka ba sa pagpapa-bunot ng ngipin mo mamaya o sa pamimili?
Mama Ding:
Mamimili muna siguro ako. Yun ay kung maaga kang makakabalik. Kaya umuwi ka agad.
Wan:
…
CHAPTER 2: Lakbay-Tanga
Suot ang polong kulay pink at black islaks na pantalon, umalis ng bahay si Wan na may baong pitong kopya ng kanyang resume, pouch bag na may lamang kikoy kit, at matatamis na ngiti sa labi (sa kabila ng kulang na tulog). Tinahak nya ang kinasanayan ng daan: tricycle palabas ng village, jeep papuntang sakayan ng bus. Sa pagkakataong ito, sa ibang ruta ng bus sya tumungo dahil mas mainam iyon sa pupuntahan niya. Nakarating si Wan sa
Wan:
8:45…
Hintay-hintay.
Wan:
9:00…
Hintay-hintay pa.
Wan:
9:15…
Hintay-hintay pa rin. Medyo inip na at naasar.
Wan:
9:30…
Nakalagpas na ang limang bus na pa Ruleton na punung-puno ng pasahero. Wala pa rin syang masakyang may bakante. Kaya no choice si Wan, sasakay na sya sa susunod na dadaang bus, puno man o hindi.
Wan:
(9:35) That’s it! I’m done waiting!
Nakasakay sya ng bus na nakatayo hanggang sa Bwenja. Tiis-gwapo ang kanyang drama, alang-alang sa job interview na kanyang pupuntahan. Pagdating na bus sa Bwenja, bumaba dali-dali si Wan at tumawid – sa Tap. Ilang minuto muli syang naghintay doon saw ala, kulang-kulang kinse minutos. Tinanong nya ang mamang malapit sa kanya.
Wan:
Manong, excuse me po. San ho ba dito dumadaan ang mga bus na pa-Alaya?
Manong:
Ay hijo, walang dumadaan dito, dapat dun ka sa highway mismo ng Bwenja nag-abang.
Wan:
Ah… salamat ho.
Inis na inis at init na init na naglakad si Wan pabalik kung saan sya bumaba mula sa sinakyang bus. Nang makarating sa Bwenja highway, dali-dali syang humanap ng tawiran at binagtas ito. Muli, nag-hintay sya ng bus, pa-Alaya nga lng. Hanggang sa nakasakay na sya sa isang bakanteng bus.
Wan:
Kuya, sa Makate Med ho baba ko. Pakisabi na lang kung andun na, di ko kasi alam.
Konduktor:
Tse!
Wan:
(sa isip) P*t*ng *n* m*! Pistartistarengi starenstar emstar.
Ilang sandali pa…
Konduktor:
Makate Med, dito na ang baba! Wala ng ibang babaan!
Nagmamadaling bumaba si Wan sa bus. Hindi tiningnan ang konduktor (bakit nya naman kasi kailangan tingnan di ba? duh!). Pagbaba ng bus, napatanaw siya sa paligid. Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa. Tingala sa taas, yuko sa baba. Ikot-ulo, 360 degrees.
Wan:
(sa isip)At asan na ako? Hala…
Dali-dali syang naglakad patungo sa isinisigaw ng kanyang puso.
CHAPTER 3: Raket Interview
Dakong 11:00 na ng matunton ni Wan ng
Wan:
Good morning ma’am, I’m Wan Dela Cruz. I was referred by…
Ma’am:
Ah ikaw pala yun, welcome! Welcome! Buti naman at nakarating ka, ikaw pa lang ang unang aplikante naming na graduate ng skul natin, kaya galingan mo ah…
Wan:
Ganun ho ba, salamat. So ibig sabihin ka-batch ko kayong nagtapos sa…
Ma’am:
Oo, you may call me She-ra. Nice meeting you Wan. Did you bring two copies of your resume as what I have texted you?
Nagpatuloy ang kanilang pagkwe-kwentuhan, este pag-uusap pala. Binigay ni Wan ang dalawang kopya ng kanyang resume kay She-ra, at binigyan naman ni She-ra si Wan ng application form at ang kanyang hindi inaasahan – isang exam. Dali-daling sinagutan iyon ni Wan.
Makalipas ang ilang minutong pag-sagot sa application form, sinimulan nya na ang pagsagot sa exam. Inuna nya ang Verbal Reasoning, 50 katanungan for 25 minutes.
Wan:
(sa isip) Sisiw…
After 10 minutes…
Wan:
(sa isip) Itlog… takte…
Ikalawa nyang sinagutan ay ang Visual Reasoning, 50 katanungan for 25 minutes.
Wan:
(sa isip) Alright! Go!
Natapos naman niya ito ng magaan sa loob. Ang ikatlo at huling exam ang sinumpa nya sa lahat, Numeric Reasoning. Oo, Math yan, pinaganda lang ang tawag. Numeric Reasoning (nagsusumigaw na MATH!!!), 40 katanungan sa halagang isang milyong piso.
Wan:
(sa isip) Oh crap…
Dahil sa MassComm ang tinapos nyang kurso, nabakante na sya sa Math ng halos tatlong taon, kaya hirap na hirap sya sa pagsagot. Ito ang unang pagkakataong kinasuklaman niya ang Math. Mula numbers 1 to 28, sinubukan nyang i-solve; at nag hula-hoop na lang sya mula 29 to 40.
Natapos nya lahat ng pinasagutan sa kanya ng 12:30. Binalik nya na lahat kay She-ra.
Ma’am She-ra:
Mabuti pa kumain ka muna, balik ka ng 1:00 para sa interview. May mga malalapit naming restaurants sa labas.
Wan:
Ok thanks…
(sa isip) No thanks…
Naghintay sya sa opisina ng Smirnoff hanggang sumapit ang 1:00 at sya’y tawagin ng interviewer.
Interviewer:
Mr. Wan?!
Lumapit sya at pumasok sa cubicle nito, naupo sa upuan (hindi sa inidoro).
Wan:
Good afternoon ma’am.
Interviewer:
Geed efternoon Wan. My name iz Lookeh (Luka) and I will be yer interviewer for teday.
Wan:
Ok yes ma’am.
(sa isip) WTF?!
Ma’am Luka:
Owke… first, I would leyk te esk yew… bleh, bleh, bleh…
Dahil sa sobrang galing mag-slang ni Luka, hindi nahirapan si Wan na intindihin iyon. Chos!
Ma’am Luka:
Bleh, bleh, bleh… so, since we er still genna look for en appropriate job for yew, I would like to effer yew a part-time post. Sweldo eh P450-500 per day. Raket-raket ka muna…
Wan:
(galing ilong) I… I could try…
Tinanggap ni Wan ang raket ni Luka ng hindi ito naiintindihang mabuti dahil sa out of this world na slang ng huli. Hinatid siya ni Luka sa kabilang kwarto at pinapila.
Napag-isip-isip ni Wan na puntahan na lang ang isa pang kumpanya sa baba kesa sa pumila sa raket na inalok sa kanya. Dali-dali syang bumalik sa cubicle ni Luka.
Wan:
Ma’am excuse me. I won’t accept the part-time post na lang po. I’ll just wait for a job na lang siguro.
Ma’am Luka:
Owke sige, just be sure te be here en Wednesday ah fer yer job exam.
Wan:
Ok I will ma’am, thanks.
Ma’am Luka:
Nice meeteng yew…
Wan:
(sa isip) Pakyut!
Lumabas na si Wan sa opisina ng Smirnoff, tinungo ang elevator at bumaba ng 3rd floor. Una muli nyang pinuntahan ang CR. Paglabas dito, saka nya napagtantong ang pupuntahang Eksperks Company ay sa 2nd floor pala. Muli, bumaba sya gamit ang elevator. Ng makita ng Eksperks, dali-dali syang pumasok sa loob at hinanap ang kanyang recruiter, 2:00 na ng tanghali.
Wan:
Hi ma’am, I’m looking for–
Ma’am:
Just fill-out an application right there, after you sign-in on the log book, then wait for whoever you are looking for here at the lounge.
Wan:
O-ok.
(sa isip) Sunget! Amp!
Ginawa nga ni Wan ang sinabi sa kanya ng babae. Matapos gawin iyon, atat nyang binigay ang isang kopya ng kanyang resume kasama ng application form sa pinaka-malapit na booth. Hinaty-hintay sya ulit, hanggang sa may lumabas na lalaki. Tinanong nito lahat ng naghihintay sa lounge.
Sir:
(to Wan) Who are you looking for?
Wan:
I’m looking for Mr. Mervin Egestin.
Sir:
I’m Mr. Mervin Egestin. Who are you?
Wan:
I’m Wan Dela Cruz sir, you texted me to come last week.
Sir Mervin:
I see, so where’s your resume and application form?
Wan:
I gave it to the booth–
Sir Mervin:
You should’ve waited for the recruiter you are looking for. Sa ginawa mong iyan ay matatagalan ka pang ma-interview. Dapat kasi hindi mo binigay. Sanadali…
Naupo na lang muli si Wan sa hiya. Maya-maya pa..
Sir Mervin:
Mr. Wan, come with me please…
Niyaya na sya sa loob ng opisina ni Mr. Mervin. Gulat man, natuwa na rin sya, at least hindi nya na kailangan pang pumila at mag-hintay.
Sir Mervin:
Ayun nga, like what I’ve said earlier, dapat hinintay mo ako, kasi maraming recruiters dito, lalo na walk-ins, kaya tampak ang lists of interviews. Ikaw kasi may schedule na. So, shall we?
Nagsimula ang palitan nina Wan at Mervin ng kuro-kuro, question and answer, jokes, etc. Na-realize ni Wan na mas ok dito, sa umpisa lang masungit ang mga tao, at mas naiintindihan nya ang sinasabi ng interviewer. Tumagal din ng halos isang oras ang pag-uusap nila. Masaya si Wan sa outcome kasi maraming job offers ang hinain sa kanya ni Mervin.
Sir Mervin:
So Wan, just free your schedules anytime this week ah. Cause I will be asking you to come back here for an exam for the job, and that would be any day this week.
Wan:
Ok sir I will…
Sir Mervin:
If you have no more questions, you may now go…
Wan:
Thank you very much sir.
Nakangiting lumabas ng
Wan:
Manong, pakihatid naman po ako sa pinakamalapit na sakayan ng bus pa-Meronbang.
Taxi Driver:
Sige, dalhin kita sa SN Makate. Dun may sakayan ng bus pa-Meronbang.
Binagtas ni Wan ang Makate sakay ng taxing kanyang napara.
CHAPTER 4: Homecoming
Nakasakay agad si Wan ng bus ng mga 3:30 ng hapon. Dahil matrapik lagi sa ESDA, inabot sya ng 4:30 ng makarating ng Meronbang. Pagdating doon, dali-dali syang sumakay ng jeep pauwi. Swerte naman nya at nakasakay sya agad ng jeep pa-Muntingloofa, dahil makulimlim na at baka abutan pa sya ng malakas na ulan.
Sa minalas naman nya, ang driver pala ng jeep ay miyembro ng SKG (Suyod Kalye Gang). Tipong kahit isang pasahero na lang ang kulang, sige pa rin ito sa mabagal na pagtakbo at pagtawag ng kung sinu-sinong nakatayo sa gilid ng kalsada para maisakay. Sa inikli ng distansya at tinagal ng biyahe, nakarating si Wan sa Munisipyo ng Muntingloofa ng pasado 5:00. Pagbaba nya ng jeep, kasabay nyang bumaba ang libu-libong malalakas na patak ng ulan. Tumakbo sya patungo sa paradahan ng tricycle.
Pagdating sa paradahan, mahaba ang pila. Maswerte na naman sya at naka-sakay sya agad dahil special ang bayad nya. Sumakay sya agad at tinahak nila ang daan, kalaban ang malakas na ulan at hangin. Nang makarating sa labas ng village ang tricycle, biglang…
Tricycle:
PAAK!!!
Namatay ang makina na tricycle, pero ang lakas ng ulan di pa rin humihina.
Wan:
Manong ano yung pumutok?
Manong:
Hindi ko nga rin alam eh.
Pina-andar muli ng manong ang tricyle. Pagdating sa gitna ng unang kalsada…
Tricycle:
PAAK!!!
Pina-andar itong muli, tuloy ang byahe. Si Wan nakakaramdam na ng kaba – kaba na baka matusta sa muling pagputok ng tricycle at sa pagbuhos ng mala-bagyong ulan.
Pagdating sa main road ng village…
Tricycle:
PAAK!!!
Muli pina-andar ito ng manong, si Wan nagdadasal na. pagdating sa kanto paliko ng kanilang kalsada…
Tricylce:
PAAK!!!
Matagal bago ulit iyon napa-andar ng manong. Nagdadalawang-isip na si Wan kung bababa na lang ba sya dahil malapit na naman ang kanyang bahay. Ngunit napakalakas ng ulan. Maya-maya ay napa-andar ulit ang tricycle. Ilang segundo pa, nakarating rin sila tapat ng tindahan nila. Nagbayad sya ng sobra sa tricycle para sa hirap na dinanas ng manong. Sinundo sya ni Mama Ding na may dalang paying – ngunit nabasa pa rin sila.
Nakatungtong ng bahay si Wan ng 5:30 ng hapon, si Mama Ding hindi na naka-alis para mamili dahilsa ulan at sa oras ng dating ni Wan.
Itutuloy…
4 comments:
Teka Teka.
Type ku itung si Wan.
Me kapated ba ian??
Si Tu?? :)
Nice. :)
Nabasa mo na agad lahat?
Bilis ah..
Only child si Wan eh..
\m/
HAHAHAHAHHA nagets ko lahat ng mga codes mo ;p pati yung mga places. pati si WAN :)) ang di ko lang alam ung companies
Wahaha!
At Waah!
Panu mu nahulaan si Wan?
Amp ka!
Haha!
\m/
Post a Comment