Tuesday, June 24, 2008

(STORY) The Misadventures of Wan the Almighty, Part 2



Part Two

Mahirap mabuhay sa kasalukuyang pamumuhay na unti-unting pina-patay ng mga buhay.

 

CHAPTER 5: Dalawang Linggong Lumipas

 

Matapos ang dalawang linggong pagka-buro ni Wan sa kanilang tahanan, muli syang nakipag-sapalaran upang humanap ng trabaho. Sa mga nagdaang araw, TV episodes, oras, pagtunganga, minuto, tetetetexting, Segundo, bagyo, muling nagpasa ng kanyang resume an gating bida sa pamamagitan ng makasaysayang internet. Pinalad naman siyang tawagan ng isa sa mga pinasahan nya.

 

Text:

Hi! This is Nolan of Bonbon Corp., we have received your application and would want to invite you for an interview tomorrow, 9:00AM at Bilbilin Tower in Ertigus. Please confirm for your attendance.

 

Tuwang-tuwa si Wan pagka’t sinagot agad ang kanyang application kinabukasan matapos nyang ipadala ang resume. Kaso…

 

Text ulit:

Hi! This is Nolan of Bonbon Corp., we have received your application and would want to invite you for an interview tomorrow, 9:00AM at Bilbilin Tower in Ertigus. Please confirm…

 

Text na naman:

Hi! This is Nolan of Bonbon Corp., we have received your application and would want to invite you for an interview tomorrow, 9:00AM at Bilbilin Tower in Ertigus...

 

Text, sa ikatlong pagkakataon:

Hi! This is Nolan of Bonbon Corp., we have received your application and would want to invite you for an interview tomorrow…

 

Medyo nainis si Wan. Ganun ba sya ka-in demand para i-text ng ganun kadami sa loob ng isang araw? O talagang natatangahan lang sa kanya ang nagte-text kaya paulit-ulit sya nitong tini-text? Bakit paulit-ulit ang text sa kanya? Ano-ano ang tini-text? Bakit at ano ang text? Leche.

 

Wan:

(sa isip) Anak ng tustadong leather! Halt! Hindi kita rereplyan!

 

Kinagabihan, ng kanyang tignan ang kanyang e-mails, meron na naming galing sa Bonbon, ngunit ang nagpadala naman ay si Dudung. Sa pagkakataong ito, nag-reply na siya. Sinabi niyang darating siya sa interview sa darating na Lunes, at hindi bukas. Taray.

 

CHAPTER 6: Lakbay-Tanga, The Re-Run

 

Maagang nagising si Wan ng sumapit ang Lunes. Sa katulad ng inaasahan, ginising sya ng kanyang alarm clock sa katauhan ng kanyang inang si Ding, nagmabagal sya, at presto – late na para sa takdang oras ng kanyang interview.

 

Nagmadali na syang umalis ng bahay. Ngunit ngayon, hindi na sya sa Hosanna Heights dadaan, kundi sa Meronbang na dahil dun ang mas malapit at mas mabilis na paraan.

 

TSAK!!!

 

Madali naming nakarating si Wan sa paradahan ng bus. Sumakay sya agad sa unang bus na papuntang Ertigus na kanyang nakita. Umandar na ito. Muni-muni, muni-muni, muni-muni. Hanggang sa dumating na sya sa Krusing, kung saan sya dapat bumaba. At bumaba na nga si Wan.

 

TSAK!!!

 

Hinanap nya ang sinabing palatandaan, ang Poormonde Hostel, kung saan ito ay katabi ng Bilbilin Tower. Lingon sa kaliwa, sa kanan, talong-talong, kamot sa ulo. Nakita nya rin sa wakes ang hostel, nasa may likuran iyon ng SN Negamol. Ngunit ang malaking tanong, saan ang daan? Sinimulang nyang baybayan ang daan kung saan sya nakaharap, habang nakatanaw sa hostel.

 

TSAK!!!

 

Konting lakad…

 

Wan:

Manong, san ho ditto tamang daan papuntang Poormond?

 

Manong:

Ay diyan…

 

Lakad ulir…

 

TSAK!!!

 

Wan:

Ate san ho papuntang Poormond?

 

Ate:

Dun…

 

Lakad pa…

 

TSAK!!!

 

Wan:

Kuya, san ho Poormond?

 

Kuya:

Pardon?

 

Wan:

(sa isip) Pakyut!

 

Makaraan ang halos kinse minutos na paglalakad, narrating na rin niya ang destinasyon. Dali-dali nyang inakyat ito at sumakay na elevator papuntang 15th floor. Pag tungtong ng 15 floor, agad niyang pinasok ang opisina ng Bonbon. Nagpakilala, sinabi ang dahilan ng pagpunta, at sinagutan ang mangilan-ngilang forms. Maya-maya pa…

 

Sir:

Are you finished?

 

Wan:

Yes sir…

 

Sir:

Ok, let’s proceed to the exam?

 

Wan:

(sa isip) At may exam agad?! Whew!

 

Pina-upo si Wan ng lalaki sa malapit na cubicle, kaharap nya ang isa sa pinapangarap nya, ang laptop.

 

CHAPTER 7: Ang Exam, Bow!

 

Ang posisyong inapplyan ni Wan sa Bonbon ay hindi bilang isang call center agent, kundi bilang isang web content creative writer. Yes, tama kayo, marunong at mahilig sa pagsusulat si Wan. Mula pa noong syang elementarya pa lamang, isa na ito sa kanyang libangan at itinuturing sa strength. At dahil yan ang posisyon niyang sinisikap pasukin, ito ang kanyang exam: una ang Typing Exam, kung gaano siya kabilis mag-type.

 

Sir:

Ok, you have to answer this first, then this one, then last would be this. Each would be 2 minutes long. Just press the start if you’re ready.

 

Lingid sa kaalaman ni Wan, iyon nap ala ang Typing Exam. Eh wala naming bnanggit kasi yung lalaki di ba? Kaya ayun, dahil ready na sya, pinindot nya na ang start. Nagbago ang laman ng screen, nagkaroon ng paragraph. Sinimulan nya na itong basahin. Binasa nya, binasa, binasa, binasa… kasabay ng pagpatak ng nalalabi sa 2 minuto. Nagulantang siya ng mapansin ang nauubos na oras sa gilid ng monitor, at doon nya na napagtanto ang dapat gawin. Nagsimula na syang mag-type.

 

Unang exam, di nya natapos i-retype.

 

Wan:

(sa isip) Oh shit…

 

Ikalawang exam, di na naman nya natapos i-retype.

 

Wan:

(sa isip) Oh shit na malagkit…

 

Ikatlo at huling exam, oo… hindi nya muling natapos…

 

Wan:

(sa isip) Oh Lord…

 

Matapos suriin ang kanyang ginawa, ikinatuwa nyang siya ay nakapasa naman – with flying colors pa! Naman!

 

Sir:

Ok, for the next set, you are to answer these and you have to monitor the time you started and finished each, ok?

 

Wan:

Ok…

 

Ang sumunod na exam ay may apat na tanong. Essay-type. Gagamit ng internet para mag-research. Madali para sa isang tulad ni Wan. Excited nyang sinimulan ito.

 

Ang una ay dapat syang gumawa ng biography tungkol kay Katherine Heigl.

 

Wan:

(sa isip) And who is this?

 

Natapos naman niya, medyo matagal. Ang ikalawa ay biography  naman tungkol kay Omarosa.

 

Wan:

(sa isip) Mas lalong sino ito?

 

Natapos nya, ganun din katagal. Ang ikatlo mas madali, gumawa ng article tungkol sa American Idol.

 

Wan:

(sa isip) Sisiw naman nito…

 

Natapos nya ito ng mabilis at may ngiti sa labi. Ang ika-apat at huli ay i-rewrite ang isang article tungkol sa Prison Break.

 

Wan:

(sa isip) Sisiw pa rin.

 

Tulad ng kanyang inaasahan, madali nya rin itong natapos. Kinausap nya ang namamahala at sinabi nyang tapos na sya. Kinausap siya na tatawagan na lang kung sakaling nakapasa. Nakahinga na sya ng maluwag. Umalis na sya sa Ertigus ng di man lang kumakain ng kahit ano. Dali-dali syang nagtungo sa Makate para sa ikalawang interview.

 

CHAPTER 8: Makate to Muntingloofa – Ouch

 

Dali-daling bumaba ng tower si Wan upang pumunta ng ESDA para sumakay ng NRT pabalik ng Alaya.

 

TSAK!!!

 

Muli na naman siyang nagpa-ikot ikot sa kabuuan ng SN Negamol. Palibhasa hindi kabisado, tiniis na lang nya ang gutom, init, at pagod.

 

Ilang saglit pa, narating na rin niya ang NRT. Nang pumila na sa bilihan ng tiket, kamalasan naming nagsara bigla ang booth ng medyo malapit na sya. Walang choice kundi pumila sa panibago. Makatapos makabili, sumakay na sa dumating na NRT, bumaba sa Alaya, at nag-taxi papuntang BFI building kung saan ang susunod nyang interview.

 

TSAK!!!

 

Umakyat na siya sa building, kung saan nya nakasabay ang kanyang batchmate na si Keloid. Sabay silang nag-hintay para sa 5:00PM na interview. Naka-long sleeves at jacket nuon si Wan, ngunit ang tinagal ng kanilang paghihintay ay hindi na umubra ang kanyang suot sa tindi ng lamig ng aircon. Maga bandang alas-6 na siya tinawag.

 

Sa mabuting palad, maayos ang tinakbo ng interview. Matapos iyon, umuwi na siya. Sumakay sya ng jeep papuntang Bwenja at dun sumakay ng bus pa-Meronbang.

 

Nakatulog sya sa biyahe dahilsa pagod. Nagising siyang nasa Meronbang na. dahil pagod at gutom naisipan nyang dumaan muna sa Pesteval. Dali-dali syang bumaba ng bus at tinungo ito.

 

TSAK!!!

 

Pagdating ng Pesteval, imbes na pagkain ang hinanap, damit ang inuna na. may photoshoot kasi siya sa darating na sabado, at kailangan nya ng matinong plain black shirt, Yes, ang inyong bida ay pa-model-model din kahit papano at first time niya kaya excited. Nang makakita ng damit na bagay, medyo mahal, kaya hindi nya na muna ito binili. Pati pagkain, din a rin muna sya bumili para makatipid. Muli, nagmadali na syang pumunta sa sakayan ng jeep patungong Muntingloofa.

 

TSAK!!!

 

Mabilis ng biyahe dahil walang mganagkalat na estudyante sa daan dahil sa walang pasok, dulot ni Prank na bagyo. Bumaba sya ng jeep, at tinungo ang terminal ng tricycle.

 

TSAK!!!

 

Sinigurado nya ng matino ang sasakyan nyang tricycle at hindi na kakarag-karag. Saglit pa ay nakauwi na rin siya.

 

TSAK!!!

 

Mama Ding:

Kamusta lakad?

 

Wan:

Ok naman ho…

 

Mama Ding:

Wala pala akong nilutong ulam…

 

Wan:

(sa isip) Very good.

 

Walang choice, nagbihis na lang sya. Pagtanggal nya ng sapatos at medias sa kaliwang paa, meron syang naramdamang kakaiba.

 

TSAK!!!

 

Ang pako pala ng suwelas ng kanyang lumas leather shoes eh umusli na ng todo, at kanina pa tinutusok ang kanyang talampakan. Matagal nya na itong iniinda, nag-aaral pa lamang sya kasi, gamit nya na ito. Ngayon lang siya sinugatan ng kanyang sariling sapatos.

 

Wan:

Ma, nasugatan ako sa talampakan…

 

TSAK!!!

 

Itutuloy…

8 comments:

Genie Sachiko said...

wan,sana tinanong mo ako if nasan ang bilbilin tower...para di ka na nagpag-tripan ng mga pesteng bystanders!!!!ahihihihihihih.
:)

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Cnu kausap mo hui?!
Haha!

\m/

Genie Sachiko said...

si wan!!!!!ahahahahahaui var, may tanung ako sayo.

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Haha..

Anu un?

\m/

Genie Sachiko said...

ahihiihihihih!wala..ngawa ko na ee....ang saya may david cook ng themes!!!!!!

'Varian Mazo The Ringleader' said...

Haha..
Akala ko kung anu na..

\m/

Genie Sachiko said...

papatulong sana ako...ahihihihih

'Varian Mazo The Ringleader' said...

About?

\m/

Post a Comment