Nakarating ka na ba sa Encantadia?
Aaminin ko, isa ako sa libu-libong Pinoy na nahumaling noon at nangarap maglakbay sa apat na kaharian ng Encantadia. Ewan ko, hindi ko alam eksakto kung bakit ba ako gumawa ng blog na ganito. Siguro nga nami-miss ko nang manood ng Encantadia…
Kung tutuusin, ito lang ang fantasy series na umere sa Philippine TV na pinapanood talaga ng mga kapuso, kapamilya, kabarkada, at kung ano pang sektor ng lipunan na may “ka” – in short, ng mga Pinoy. Pruweba na marahil ang hataw nito sa primetime ratings noon, na magmula pa sa pilot episode hanggang sa kahuli-hulihang kabanata nito ay hindi ito bumaba sa 30% viewing shares. Pero ang pinaka-matibay na pruweba ay ang pag-tagal nito ng lagpas isang taon.
Tumagal ang Encantadia dahil sa kagandahan ng pagkakagawa nito, sa pangunguna ng masusing pagkakabuo ng istorya. Mula Encantadia, hanggang Etheria, at sa huling libro na Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas, walang maitatapon sa tinakbo ng kwento nito – mahirap hanapan ng butas. Dagdag pa ang visual effects na talagang kahanga-hanga at ang musika na talagang kariringgan ng kulturang Pinoy. Kaya hindi nakakapagtakang award-winning ito sa loob at labas ng bansa.
Wala nga atang hindi nakakakilala noon sa mga Sang’gre, kay Pirena, Amihan, Alena, at Danaya, isama pa si Ybarro, Lira, at Mira. At wala rin atang hindi napapangiti noon kapag binati ka ng Avisala, sigawan ng Pashnea o Ssheda, o sabihan ng E Correi Diu.
Maraming nagsasabing hango ang konsepto sa Lord of the Rings ni J. R. R. Tolkien, at marami rin namang nagsasabing ito ang sariling Lord of the Rings ng Pilipinas. Pero kung susuriing mabuti, kakikitaan ito ng kulturang Pilipino – patunay na ating-atin ang produksyong ito.
Kaya ako, kahit na magsama-sama pa ang mga Zaido, Pintados at mga Rounin; kahit pa magpa-laliman pa ng langoy sina Dyesebel, Marina, at Marinara upang matunton ang Atlantika; kahit pa magpa-taasan ng lipad sina Darna, Captain Barbel at Krystala kasabay ng mga Mulawin; kahit pa makita ng Sugo ang totoong kagandahan ni Kampanerang Kuba sa pamamagitan ng Mga Mata Ni Angelita; kahit pa matutong mag-Majika si Kokey para mahanap ang Asian Treasure; kahit na magsabong sina Kamandag at Lobo; kahit pa magbugbugan sina Panday, Lastikman at Joaquin Bordado; at kahit pa may nakaligtaan pa akong sabihin dito – Encantadia pa rin ako.
---
Ang punto ko: Hindi ba’t likas na ang pagiging napaka-malikhain ng mga Pilipino? Kitang-kita naman sa gawa’t salita eh. Ang hirap lang kasi sa iba sa’ten – kinahihiya nating maging Pinoy. Ngayon alam mo na kung bakit ko sinulat ang blog na ito, hindi lang dahil nami-miss ko ang Encantadia, kundi dahil nami-miss ko ring makakita ng mga Pilipinong proud sa lahi at sa bansa nila – sa isip, sa salita, sa gawa.
Sa iyong hindi proud, isa kang malaking Pashnea! Pero, E Currei
14 comments:
korek! apir!
Apir!
Aww!
Avisala!
\m/
hasne live encantadia!!!
mabuhay ang encantadia!!!
yan lang ang tanging series na sinubaybayan ko sa gma...
I've been to Lireo... the Fountain as to where Alena and Ibarro met. the fall's name is Daranak and it is located in Tanay, Rizal. The moment you reach the place, it is so magical but one has to bring a car as there's no public transport to the the fall itself. It is 3 km away from the highway.
Well a tricycle can be 'rented' for about 100 pesos one way. You just have to talk to the driver so that he won't leave you.
Ivo Live theairprince!
\m/
Ok.
\m/
Thanks for the info..
Sapiro's just behind my former alma mater though..
\m/
the underground prison of Intramuros... hehe... gusto ko ngang bumaba dun minsan pero hindi ko magawa... Lyceum ka ba or PLM???
Yep, that's it..
Was from PLM..
\m/
wehhh. gustong gusto ko din ito noon. haha!
Konti lng tlga ang kakilala ko na hindi nanood nito..
This is truly one amazing project for Pinoys to be proud of..
\m/
saan pwedeng bumili ng encantadia book?ung kumpleto ang how much?
Uun un varian oh!!! miss ko na din ang mga Sangre!
Post a Comment