Yes, you've read it right. The incident happened in Metro Phi Resto Bar at Metrowalk, Ortigas, Pasig City, around 2:30 PM.
The team interrogated and shot me! I thought I was already dead...
###
I went to the Ambush 4 Screening by Dense Modesto.
This was actually my first time to "audition" for a fashion event. Though I may not be part of the select few, meeting the famous people behind the famous faces in Multiply - and to actually share minutes with them in a single room - is already a consolation.
Thanks to the Ambush Team for this grand opportunity. I was number 74 - because I arrived kinda late. LOL!
###
State your name, age, and convince us that you deserve to be part of the Select 12 of Ambush 4.
Good afternoon, I am Varian Mazo, 21 years old. I really love fashion, and since I am a fresh grad, I would like to venture a career in this field. And I know that through joining here, if ever I would be fortunate to be part of the Select 12 of Ambush 4, doors of great opportunities will be open for me in the future. Thank you.
Now the show knows how to entice the audience. May bitin factor ng nagaganap. But, yes, again, the lighting!!! Use the lights to intensify the drama of the scenario!
This time, one of my predictions to be leaving the show was called - Warren. And he should've been the one sent home instead of Mae. Yes, I like Mae. She has star potential, she has talent in singing, and most of all, she improves. I wonder why she don't have enough voters. But I would like to stress again - Warren should've been the one eliminated. Two equally talented ladies have been voted out of the competition. Wake up Filipino viewers and texters!!!
A Shoot For A Cause (For Asociacion De Damas Filipinas) HELPING THE FUTURE ARTISTS OF THE NEXT GENERATION open for everybody...
Photographers: ASH CASTRO SEVEN BARRETTO Make-Up Artist: GERARD DADUYA TINA VIBAR Hairstylist: ELDZS MEJIA THIRD OCTAVO Stylist: MITCH BINAS DEVAUN ARANETA Face Art: DEAN IBAY Production Manager: KAIYE ROLDAN
###
I've had one of the best times in my life during Blackout! The whole team was accomodating, the place was classy, and the shoot was damn great!
Admittedly, I have been a fan of America's Next Top Model (since Cylce 6), Project Runway, and Make Me A Supermodel - but never did I imagine that someday, somehow, I could experience being in front of a camera while the lights blind you from here and there coming from a known photographer's camera, and you just find yourself strutting your ass off for fierce, edgy poses! I am thankful indeed that I have been a part of this wonderful project.
If performance were the real basis of the viewers, then these 3 shouldn't be allowed to continue their so-called Idol journey anymore. For heaven's sake Sue! Why did you sing Linkin Park's In The End? Learn to choose wisely dear.. Warren and Daryl doesn't improve at all - and come on Ogie! The latter's no Dingdong Avanzado.
THOUGHTS:
I have been stressing this one for the nth time - please do something with the lights! Damn! It's just all over the place! Nasasayang ang ganda ng set at ang performance ng contestants! And why are they showcasing the stairs? It looks dirty..
Since the competition began, Jolina has been harsh in commenting than Ogie. Tonight, she never gave any bitter comments at all! C'mon! Trying to be like Paula Abdul? No way..
The public has spoken... FHM Philippines' Sexiest Woman in the World for 2008 is no other than Marian Rivera!
Marian Rivera is surely on her way to a much brighter and successful future, for she not only owns the true number one talked-about and watched primetime series of today, but she also owns FHM Philippines' number one spot for this year's Sexiest Women in the World poll - rising from last year's 24th position. Her formula? Her endearing innocent charms and humbleness that matches her mesmerizing over-all look and great talent.
Katrina Halili, last year's top-notcher, sits back at number two, while Transformers' leading lady Megan Fox occupies the third position. Angel Locsin, a strong contender for the top spot for years, falls down to number four. Diana Zubiri rounds this year's top five; Ehra Madrigal and Iwa Moto holds the sixth and seventh spot respectively.
Aaminin ko, isa ako sa libu-libong Pinoy na nahumaling noon atnangarap maglakbay sa apat na kaharian ng Encantadia. Ewan ko, hindi ko alam eksakto kung bakit ba ako gumawa ng blog na ganito. Siguro nga nami-miss ko nang manood ng Encantadia…
Kung tutuusin, ito lang ang fantasy series na umere sa Philippine TV na pinapanood talaga ng mga kapuso, kapamilya, kabarkada, at kung ano pang sektor ng lipunan na may “ka” – in short, ng mga Pinoy. Pruweba na marahil ang hataw nito sa primetime ratings noon, na magmula pa sa pilot episode hanggang sa kahuli-hulihang kabanata nito ay hindi ito bumaba sa 30% viewing shares. Pero ang pinaka-matibay na pruweba ay ang pag-tagal nito ng lagpas isang taon.
Tumagal ang Encantadia dahil sa kagandahan ng pagkakagawa nito, sa pangunguna ng masusing pagkakabuo ng istorya. Mula Encantadia, hanggang Etheria, at sa huling libro na Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas, walang maitatapon sa tinakbo ng kwento nito – mahirap hanapan ng butas. Dagdag pa ang visual effects na talagang kahanga-hanga at ang musika na talagang kariringgan ng kulturang Pinoy. Kaya hindi nakakapagtakang award-winning ito sa loob at labas ng bansa.
Wala nga atang hindi nakakakilala noon sa mga Sang’gre, kay Pirena, Amihan, Alena, at Danaya, isama pa si Ybarro, Lira, at Mira. At wala rin atang hindi napapangiti noon kapag binati ka ng Avisala, sigawan ng Pashnea o Ssheda, o sabihan ng E Correi Diu.
Maraming nagsasabing hango ang konsepto sa Lord of the Rings ni J. R. R. Tolkien, at marami rin namang nagsasabing ito ang sariling Lord of the Rings ng Pilipinas. Pero kung susuriing mabuti, kakikitaan ito ng kulturang Pilipino – patunay na ating-atin ang produksyong ito.
Kaya ako, kahit na magsama-sama pa ang mga Zaido, Pintados at mga Rounin; kahit pa magpa-laliman pa ng langoy sina Dyesebel, Marina, at Marinara upang matunton ang Atlantika; kahit pa magpa-taasan ng lipad sina Darna, Captain Barbel at Krystala kasabay ng mga Mulawin; kahit pa makita ng Sugo ang totoong kagandahan ni Kampanerang Kuba sa pamamagitan ng Mga Mata Ni Angelita; kahit pa matutong mag-Majika si Kokey para mahanap ang Asian Treasure; kahit na magsabong sina Kamandag at Lobo; kahit pa magbugbugan sina Panday, Lastikman at Joaquin Bordado; at kahit pa may nakaligtaan pa akong sabihin dito – Encantadia pa rin ako.
---
Ang punto ko: Hindi ba’t likas na ang pagiging napaka-malikhain ng mga Pilipino? Kitang-kita naman sa gawa’t salita eh. Ang hirap lang kasi sa iba sa’ten – kinahihiya nating maging Pinoy. Ngayon alam mo na kung bakit ko sinulat ang blog na ito, hindi lang dahil nami-miss ko ang Encantadia, kundi dahil nami-miss ko ring makakita ng mga Pilipinong proud sa lahi at sa bansa nila – sa isip, sa salita, sa gawa.
Sa iyong hindi proud, isa kang malaking Pashnea! Pero, E Currei Diu. Kita-kits sa Encantadia… Avisala Pinoy! Ivo LivePilipinas!
One good example of a movie where the sequel triumphs over its primer – The Chronicles of Narnia: Prince Caspian lets spectators to journey back to Narnia, where everything and everyone seems a thousand years gone.
As impressive as its part one, The Chronicles of Narnia: The Lion, the Witch, and the Wardrobe, Prince Caspian offers massive visual effects, stunning musical score, and an in-depth storyline based upon C.S. Lewis’ masterpiece.
The film sets a mood of excitement and craving once the first scene hits the screen. The wise portrayal of the maturing lead characters and the over-all editing of the flick makes you glued to it till its last minute.
Fantastically brilliant!
And yes, “men who have poor imagination” wouldn’t really experience a hard time appreciating this one.
***A remake of the Pinoy horror film, Sigaw. Originally starred by Richard Gutierrez, Angel Locsin, Iza Calzado, Jomari Yllana, and James Blanco, directed by Yam Laranas.***
Trailer for 2008 Horror Movie Remake "The Echo" starring Jesse Bradford, Amelia Warner and Kevin Durand. The movie tells the story about an ex-con who moves into an apartment building, and finds himself wrapped inside a terrible curse when trying to intervene a domestic problem between a police officer, his wife and their child. Due for release in 2008.
Mahirap mabuhay sa kasalukuyang pamumuhay na unti-unting pina-patay ng mga buhay.
CHAPTER 5:Dalawang Linggong Lumipas
Matapos ang dalawang linggong pagka-buro ni Wan sa kanilang tahanan, muli syang nakipag-sapalaran upang humanap ng trabaho. Sa mga nagdaang araw, TV episodes, oras, pagtunganga, minuto, tetetetexting, Segundo, bagyo, muling nagpasa ng kanyang resume an gating bida sa pamamagitan ng makasaysayang internet. Pinalad naman siyang tawagan ng isa sa mga pinasahan nya.
Text:
Hi! This is Nolan of Bonbon Corp., we have received your application and would want to invite you for an interview tomorrow, 9:00AM at BilbilinTower in Ertigus. Please confirm for your attendance.
Tuwang-tuwa si Wan pagka’t sinagot agad ang kanyang application kinabukasan matapos nyang ipadala ang resume. Kaso…
Text ulit:
Hi! This is Nolan of Bonbon Corp., we have received your application and would want to invite you for an interview tomorrow, 9:00AM at BilbilinTower in Ertigus. Please confirm…
Text na naman:
Hi! This is Nolan of Bonbon Corp., we have received your application and would want to invite you for an interview tomorrow, 9:00AM at BilbilinTower in Ertigus...
Text, sa ikatlong pagkakataon:
Hi! This is Nolan of Bonbon Corp., we have received your application and would want to invite you for an interview tomorrow…
Medyo nainis si Wan. Ganun ba sya ka-in demand para i-text ng ganun kadami sa loob ng isang araw? O talagang natatangahan lang sa kanya ang nagte-text kaya paulit-ulit sya nitong tini-text? Bakit paulit-ulit ang text sa kanya? Ano-ano ang tini-text? Bakit at ano ang text? Leche.
Wan:
(sa isip) Anak ng tustadong leather! Halt! Hindi kita rereplyan!
Kinagabihan, ng kanyang tignan ang kanyang e-mails, meron na naming galing sa Bonbon, ngunit ang nagpadala naman ay si Dudung. Sa pagkakataong ito, nag-reply na siya. Sinabi niyang darating siya sa interview sa darating na Lunes, at hindi bukas. Taray.
CHAPTER 6:Lakbay-Tanga, The Re-Run
Maagang nagising si Wan ng sumapit ang Lunes. Sa katulad ng inaasahan, ginising sya ng kanyang alarm clock sa katauhan ng kanyang inang si Ding, nagmabagal sya, at presto – late na para sa takdang oras ng kanyang interview.
Nagmadali na syang umalis ng bahay. Ngunit ngayon, hindi na sya sa HosannaHeights dadaan, kundi sa Meronbang na dahil dun ang mas malapit at mas mabilis na paraan.
TSAK!!!
Madali naming nakarating si Wan sa paradahan ng bus. Sumakay sya agad sa unang bus na papuntang Ertigus na kanyang nakita. Umandar na ito. Muni-muni, muni-muni, muni-muni. Hanggang sa dumating na sya sa Krusing, kung saan sya dapat bumaba. At bumaba na nga si Wan.
TSAK!!!
Hinanap nya ang sinabing palatandaan, ang Poormonde Hostel, kung saan ito ay katabi ng BilbilinTower. Lingon sa kaliwa, sa kanan, talong-talong, kamot sa ulo. Nakita nya rin sa wakes ang hostel, nasa may likuran iyon ng SN Negamol. Ngunit ang malaking tanong, saan ang daan? Sinimulang nyang baybayan ang daan kung saan sya nakaharap, habang nakatanaw sa hostel.
TSAK!!!
Konting lakad…
Wan:
Manong, san ho ditto tamang daan papuntang Poormond?
Manong:
Ay diyan…
Lakad ulir…
TSAK!!!
Wan:
Ate san ho papuntang Poormond?
Ate:
Dun…
Lakad pa…
TSAK!!!
Wan:
Kuya, san ho Poormond?
Kuya:
Pardon?
Wan:
(sa isip) Pakyut!
Makaraan ang halos kinse minutos na paglalakad, narrating na rin niya ang destinasyon. Dali-dali nyang inakyat ito at sumakay na elevator papuntang 15th floor. Pag tungtong ng 15 floor, agad niyang pinasok ang opisina ng Bonbon. Nagpakilala, sinabi ang dahilan ng pagpunta, at sinagutan ang mangilan-ngilang forms. Maya-maya pa…
Sir:
Are you finished?
Wan:
Yes sir…
Sir:
Ok, let’s proceed to the exam?
Wan:
(sa isip) At may exam agad?! Whew!
Pina-upo si Wan ng lalaki sa malapit na cubicle, kaharap nya ang isa sa pinapangarap nya, ang laptop.
CHAPTER 7:Ang Exam, Bow!
Ang posisyong inapplyan ni Wan sa Bonbon ay hindi bilang isang call center agent, kundi bilang isang web content creative writer. Yes, tama kayo, marunong at mahilig sa pagsusulat si Wan. Mula pa noong syang elementarya pa lamang, isa na ito sa kanyang libangan at itinuturing sa strength. At dahil yan ang posisyon niyang sinisikap pasukin, ito ang kanyang exam: una ang Typing Exam, kung gaano siya kabilis mag-type.
Sir:
Ok, you have to answer this first, then this one, then last would be this. Each would be 2 minutes long. Just press the start if you’re ready.
Lingid sa kaalaman ni Wan, iyon nap ala ang Typing Exam. Eh wala naming bnanggit kasi yung lalaki di ba? Kaya ayun, dahil ready na sya, pinindot nya na ang start. Nagbago ang laman ng screen, nagkaroon ng paragraph. Sinimulan nya na itong basahin. Binasa nya, binasa, binasa, binasa… kasabay ng pagpatak ng nalalabi sa 2 minuto. Nagulantang siya ng mapansin ang nauubos na oras sa gilid ng monitor, at doon nya na napagtanto ang dapat gawin. Nagsimula na syang mag-type.
Unang exam, di nya natapos i-retype.
Wan:
(sa isip) Oh shit…
Ikalawang exam, di na naman nya natapos i-retype.
Wan:
(sa isip) Oh shit na malagkit…
Ikatlo at huling exam, oo… hindi nya muling natapos…
Wan:
(sa isip) Oh Lord…
Matapos suriin ang kanyang ginawa, ikinatuwa nyang siya ay nakapasa naman – with flying colors pa! Naman!
Sir:
Ok, for the next set, you are to answer these and you have to monitor the time you started and finished each, ok?
Wan:
Ok…
Ang sumunod na exam ay may apat na tanong. Essay-type. Gagamit ng internet para mag-research. Madali para sa isang tulad ni Wan. Excited nyang sinimulan ito.
Ang una ay dapat syang gumawa ng biography tungkol kay Katherine Heigl.
Wan:
(sa isip) And who is this?
Natapos naman niya, medyo matagal. Ang ikalawa ay biographynaman tungkol kay Omarosa.
Wan:
(sa isip) Mas lalong sino ito?
Natapos nya, ganun din katagal. Ang ikatlo mas madali, gumawa ng article tungkol sa American Idol.
Wan:
(sa isip) Sisiw naman nito…
Natapos nya ito ng mabilis at may ngiti sa labi. Ang ika-apat at huli ay i-rewrite ang isang article tungkol sa Prison Break.
Wan:
(sa isip) Sisiw pa rin.
Tulad ng kanyang inaasahan, madali nya rin itong natapos. Kinausap nya ang namamahala at sinabi nyang tapos na sya. Kinausap siya na tatawagan na lang kung sakaling nakapasa. Nakahinga na sya ng maluwag. Umalis na sya sa Ertigus ng di man lang kumakain ng kahit ano. Dali-dali syang nagtungo sa Makate para sa ikalawang interview.
CHAPTER 8:Makate to Muntingloofa – Ouch
Dali-daling bumaba ng tower si Wan upang pumunta ng ESDA para sumakay ng NRT pabalik ng Alaya.
TSAK!!!
Muli na naman siyang nagpa-ikot ikot sa kabuuan ng SN Negamol. Palibhasa hindi kabisado, tiniis na lang nya ang gutom, init, at pagod.
Ilang saglit pa, narating na rin niya ang NRT. Nang pumila na sa bilihan ng tiket, kamalasan naming nagsara bigla ang booth ng medyo malapit na sya. Walang choice kundi pumila sa panibago. Makatapos makabili, sumakay na sa dumating na NRT, bumaba sa Alaya, at nag-taxi papuntang BFI building kung saan ang susunod nyang interview.
TSAK!!!
Umakyat na siya sa building, kung saan nya nakasabay ang kanyang batchmate na si Keloid. Sabay silang nag-hintay para sa 5:00PM na interview. Naka-long sleeves at jacket nuon si Wan, ngunit ang tinagal ng kanilang paghihintay ay hindi na umubra ang kanyang suot sa tindi ng lamig ng aircon. Maga bandang alas-6 na siya tinawag.
Sa mabuting palad, maayos ang tinakbo ng interview. Matapos iyon, umuwi na siya. Sumakay sya ng jeep papuntang Bwenja at dun sumakay ng bus pa-Meronbang.
Nakatulog sya sa biyahe dahilsa pagod. Nagising siyang nasa Meronbang na. dahil pagod at gutom naisipan nyang dumaan muna sa Pesteval. Dali-dali syang bumaba ng bus at tinungo ito.
TSAK!!!
Pagdating ng Pesteval, imbes na pagkain ang hinanap, damit ang inuna na. may photoshoot kasi siya sa darating na sabado, at kailangan nya ng matinong plain black shirt, Yes, ang inyong bida ay pa-model-model din kahit papano at first time niya kaya excited. Nang makakita ng damit na bagay, medyo mahal, kaya hindi nya na muna ito binili. Pati pagkain, din a rin muna sya bumili para makatipid. Muli, nagmadali na syang pumunta sa sakayan ng jeep patungong Muntingloofa.
TSAK!!!
Mabilis ng biyahe dahil walang mganagkalat na estudyante sa daan dahil sa walang pasok, dulot ni Prank na bagyo. Bumaba sya ng jeep, at tinungo ang terminal ng tricycle.
TSAK!!!
Sinigurado nya ng matino ang sasakyan nyang tricycle at hindi na kakarag-karag. Saglit pa ay nakauwi na rin siya.
TSAK!!!
Mama Ding:
Kamusta lakad?
Wan:
Ok naman ho…
Mama Ding:
Wala pala akong nilutong ulam…
Wan:
(sa isip) Very good.
Walang choice, nagbihis na lang sya. Pagtanggal nya ng sapatos at medias sa kaliwang paa, meron syang naramdamang kakaiba.
TSAK!!!
Ang pako pala ng suwelas ng kanyang lumas leather shoes eh umusli na ng todo, at kanina pa tinutusok ang kanyang talampakan. Matagal nya na itong iniinda, nag-aaral pa lamang sya kasi, gamit nya na ito. Ngayon lang siya sinugatan ng kanyang sariling sapatos.
This has been the smoothest results show for Pinoy Idol since it started. But I still question the lighting! For heaven's sake! Be smart on using the lights to have an effect and dramatize the scenario! And what's with the pillows for the seats? Eww.
I was surprised enough that none of my predictions to be in the bottom three wasn't called tonight. And I'm surprised as well that Jeni was the one who leaves the show for good and be the first to go in the Final 12 - she has been inconsistently good, but still good than some of the finalists. The biggest surprise was - of course - Daryl still survives for another week! Crap!
I predict that these three would be in the bottom three on the results show tomorrow night because they all had lackluster performances. Gretchen did not give justice to her rendition of Respect, Warren couldn't somehow show any other side rather than being a rocker, and Daryl simply gave the weakest vocal prowess.
THOUGHTS:
Now that the Final 12 has a new home (SM MoA's CenterStage), the competition gets tougher - and the show, I must say, really improves. I commend the big venue and the oh-so-delicious stage! Bumawi talaga from their previous studio. The background visuals are seen bigger this time - that's a plus. Audio-wise, it improved; lighting, still needs improvement.
The Final 12 had a mad vocal performance during the opening number! Fantastic!
Sa buhay, kelangan mong matutong magpakabuhay para ika’y mabuhay.
CHAPTER 1:Tatlong Buwan Matapos Magtapos
Alas-sais ng umaga. Nagising si Wan mula sa kanyang mahigit-kumulang dalawang oras na paghilik dahil sa tunog ng kanyang alarm clock.
Alarm Clock:
Wan!!! Gising na!!! Akala ko ba’y lalakad ka ngayon para maghanap ng trabaho?!
Mula pa noong siya ay nag-aaral, mula uhuging elementarya, pa-kyut na high school, at pahirapang kolehiyo, ang kanyang inang si Ding na ang epektibo niyang alarm clock tuwing umaga. Wala itong palya – mula sa pagsigaw hanggang sa paghaltak sa kanya sa kama – sa paggising sa kanya, kahit na madalas ay humihirit si Wan ng palugit: 5 minutes.
Mama Ding:
Wan, anu ba?! Bumangon ka na sabi eh.
Wan:
Yes andiyan na po.
Lulugu-lugong pilit na tumayo si Wan mula sa pagkakahiga, at pasuray-suray na lumakad palabas ng kwarto patungo sa hapag-kainan. Pagkaupong-pagkaupo ay ginawa nya na agad ang nakagisnan na tuwing pagkagising sa umaga – ang tumunganga sa wala. Ilang minuto rin niyang pinagmasdan ang placemat, plato, kutsara, baso, at ang buong mesa bago nagsimulang kumilos para kumain.
Wan:
Ma, tutuloy ka ba sa pagpapa-bunot ng ngipin mo mamaya o sa pamimili?
Mama Ding:
Mamimili muna siguro ako. Yun ay kung maaga kang makakabalik. Kaya umuwi ka agad.
Wan:
…
CHAPTER 2:Lakbay-Tanga
Suot ang polong kulay pink at black islaks na pantalon, umalis ng bahay si Wan na may baong pitong kopya ng kanyang resume, pouch bag na may lamang kikoy kit, at matatamis na ngiti sa labi (sa kabila ng kulang na tulog). Tinahak nya ang kinasanayan ng daan: tricycle palabas ng village, jeep papuntang sakayan ng bus. Sa pagkakataong ito, sa ibang ruta ng bus sya tumungo dahil mas mainam iyon sa pupuntahan niya. Nakarating si Wan sa HossanaHeights upang mag-abang ng bus papuntang Ruleton ng 8:30 ng umaga. Imbes na sa Meronbang siya nagpunta at sumakay ng bus, napagdesisyunan niyang dito tumungo pagkat ang mga bus dito ay dadaan Bwenja. Nag-hintay sya ng ilang minuto upang maka-sakay sa isang hindi punong bus.
Wan:
8:45…
Hintay-hintay.
Wan:
9:00…
Hintay-hintay pa.
Wan:
9:15…
Hintay-hintay pa rin. Medyo inip na at naasar.
Wan:
9:30…
Nakalagpas na ang limang bus na pa Ruleton na punung-puno ng pasahero. Wala pa rin syang masakyang may bakante. Kaya no choice si Wan, sasakay na sya sa susunod na dadaang bus, puno man o hindi.
Wan:
(9:35) That’s it! I’m done waiting!
Nakasakay sya ng bus na nakatayo hanggang sa Bwenja. Tiis-gwapo ang kanyang drama, alang-alang sa job interview na kanyang pupuntahan. Pagdating na bus sa Bwenja, bumaba dali-dali si Wan at tumawid – sa Tap. Ilang minuto muli syang naghintay doon saw ala, kulang-kulang kinse minutos. Tinanong nya ang mamang malapit sa kanya.
Wan:
Manong, excuse me po. San ho ba dito dumadaan ang mga bus na pa-Alaya?
Manong:
Ay hijo, walang dumadaan dito, dapat dun ka sa highway mismo ng Bwenja nag-abang.
Wan:
Ah… salamat ho.
Inis na inis at init na init na naglakad si Wan pabalik kung saan sya bumaba mula sa sinakyang bus. Nang makarating sa Bwenja highway, dali-dali syang humanap ng tawiran at binagtas ito. Muli, nag-hintay sya ng bus, pa-Alaya nga lng. Hanggang sa nakasakay na sya sa isang bakanteng bus.
Wan:
Kuya, sa Makate Med ho baba ko. Pakisabi na lang kung andun na, di ko kasi alam.
Makate Med, dito na ang baba! Wala ng ibang babaan!
Nagmamadaling bumaba si Wan sa bus. Hindi tiningnan ang konduktor (bakit nya naman kasi kailangan tingnan di ba? duh!). Pagbaba ng bus, napatanaw siya sa paligid. Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa. Tingala sa taas, yuko sa baba. Ikot-ulo, 360 degrees.
Wan:
(sa isip)At asan na ako? Hala…
Dali-dali syang naglakad patungo sa isinisigaw ng kanyang puso.
CHAPTER 3:Raket Interview
Dakong 11:00 na ng matunton ni Wan ng FilcocksBuilding sa kalye Salcedew sa Makate. Dito sa gusaling ito naka-iskedyul ang dalawa niyang interview. Napag-desisyunan niyang unahin ang Smirnoff Company sa 7th floor. Sumakay sya ng elevator, round-trip, dahil bumaba ang elevator ng Ground floor matapos makarating ng 4th floor at bago muling umakyat. Pagdating sa 7th floor, inuna nyang pinuntahan ang CR bago ang Smirnoff. Pagpasok niya ng Smirnoff…
Wan:
Good morning ma’am, I’m Wan Dela Cruz. I was referred by…
Ma’am:
Ah ikaw pala yun, welcome! Welcome! Buti naman at nakarating ka, ikaw pa lang ang unang aplikante naming na graduate ng skul natin, kaya galingan mo ah…
Wan:
Ganun ho ba, salamat. So ibig sabihin ka-batch ko kayong nagtapos sa…
Ma’am:
Oo, you may call me She-ra. Nice meeting you Wan. Did you bring two copies of your resume as what I have texted you?
Nagpatuloy ang kanilang pagkwe-kwentuhan, este pag-uusap pala. Binigay ni Wan ang dalawang kopya ng kanyang resume kay She-ra, at binigyan naman ni She-ra si Wan ng application form at ang kanyang hindi inaasahan – isang exam. Dali-daling sinagutan iyon ni Wan.
Makalipas ang ilang minutong pag-sagot sa application form, sinimulan nya na ang pagsagot sa exam. Inuna nya ang Verbal Reasoning, 50 katanungan for 25 minutes.
Wan:
(sa isip) Sisiw…
After 10 minutes…
Wan:
(sa isip) Itlog… takte…
Ikalawa nyang sinagutan ay ang Visual Reasoning, 50 katanungan for 25 minutes.
Wan:
(sa isip) Alright! Go!
Natapos naman niya ito ng magaan sa loob. Ang ikatlo at huling exam ang sinumpa nya sa lahat, Numeric Reasoning. Oo, Math yan, pinaganda lang ang tawag. Numeric Reasoning (nagsusumigaw na MATH!!!), 40 katanungan sa halagang isang milyong piso.
Wan:
(sa isip) Oh crap…
Dahil sa MassComm ang tinapos nyang kurso, nabakante na sya sa Math ng halos tatlong taon, kaya hirap na hirap sya sa pagsagot. Ito ang unang pagkakataong kinasuklaman niya ang Math. Mula numbers 1 to 28, sinubukan nyang i-solve; at nag hula-hoop na lang sya mula 29 to 40.
Natapos nya lahat ng pinasagutan sa kanya ng 12:30. Binalik nya na lahat kay She-ra.
Ma’am She-ra:
Mabuti pa kumain ka muna, balik ka ng 1:00 para sa interview. May mga malalapit naming restaurants sa labas.
Wan:
Ok thanks…
(sa isip) No thanks…
Naghintay sya sa opisina ng Smirnoff hanggang sumapit ang 1:00 at sya’y tawagin ng interviewer.
Interviewer:
Mr. Wan?!
Lumapit sya at pumasok sa cubicle nito, naupo sa upuan (hindi sa inidoro).
Wan:
Good afternoon ma’am.
Interviewer:
Geed efternoon Wan. My name iz Lookeh (Luka) and I will be yer interviewer for teday.
Wan:
Ok yes ma’am.
(sa isip) WTF?!
Ma’am Luka:
Owke… first, I would leyk te esk yew… bleh, bleh, bleh…
Dahil sa sobrang galing mag-slang ni Luka, hindi nahirapan si Wan na intindihin iyon. Chos!
Ma’am Luka:
Bleh, bleh, bleh… so, since we er still genna look for en appropriate job for yew, I would like to effer yew a part-time post. Sweldo eh P450-500 per day. Raket-raket ka muna…
Wan:
(galing ilong) I… I could try…
Tinanggap ni Wan ang raket ni Luka ng hindi ito naiintindihang mabuti dahil sa out of this world na slang ng huli. Hinatid siya ni Luka sa kabilang kwarto at pinapila.
Napag-isip-isip ni Wan na puntahan na lang ang isa pang kumpanya sa baba kesa sa pumila sa raket na inalok sa kanya. Dali-dali syang bumalik sa cubicle ni Luka.
Wan:
Ma’am excuse me. I won’t accept the part-time post na lang po. I’ll just wait for a job na lang siguro.
Ma’am Luka:
Owke sige, just be sure te be here en Wednesday ah fer yer job exam.
Wan:
Ok I will ma’am, thanks.
Ma’am Luka:
Nice meeteng yew…
Wan:
(sa isip) Pakyut!
Lumabas na si Wan sa opisina ng Smirnoff, tinungo ang elevator at bumaba ng 3rd floor. Una muli nyang pinuntahan ang CR. Paglabas dito, saka nya napagtantong ang pupuntahang Eksperks Company ay sa 2nd floor pala. Muli, bumaba sya gamit ang elevator. Ng makita ng Eksperks, dali-dali syang pumasok sa loob at hinanap ang kanyang recruiter, 2:00 na ng tanghali.
Wan:
Hi ma’am, I’m looking for–
Ma’am:
Just fill-out an application right there, after you sign-in on the log book, then wait for whoever you are looking for here at the lounge.
Wan:
O-ok.
(sa isip) Sunget! Amp!
Ginawa nga ni Wan ang sinabi sa kanya ng babae. Matapos gawin iyon, atat nyang binigay ang isang kopya ng kanyang resume kasama ng application form sa pinaka-malapit na booth. Hinaty-hintay sya ulit, hanggang sa may lumabas na lalaki. Tinanong nito lahat ng naghihintay sa lounge.
Sir:
(to Wan) Who are you looking for?
Wan:
I’m looking for Mr. Mervin Egestin.
Sir:
I’m Mr. Mervin Egestin. Who are you?
Wan:
I’m Wan Dela Cruz sir, you texted me to come last week.
Sir Mervin:
I see, so where’s your resume and application form?
Wan:
I gave it to the booth–
Sir Mervin:
You should’ve waited for the recruiter you are looking for. Sa ginawa mong iyan ay matatagalan ka pang ma-interview. Dapat kasi hindi mo binigay. Sanadali…
Naupo na lang muli si Wan sa hiya. Maya-maya pa..
Sir Mervin:
Mr. Wan, come with me please…
Niyaya na sya sa loob ng opisina ni Mr. Mervin. Gulat man, natuwa na rin sya, at least hindi nya na kailangan pang pumila at mag-hintay.
Sir Mervin:
Ayun nga, like what I’ve said earlier, dapat hinintay mo ako, kasi maraming recruiters dito, lalo na walk-ins, kaya tampak ang lists of interviews. Ikaw kasi may schedule na. So, shall we?
Nagsimula ang palitan nina Wan at Mervin ng kuro-kuro, question and answer, jokes, etc. Na-realize ni Wan na mas ok dito, sa umpisa lang masungit ang mga tao, at mas naiintindihan nya ang sinasabi ng interviewer. Tumagal din ng halos isang oras ang pag-uusap nila. Masaya si Wan sa outcome kasi maraming job offers ang hinain sa kanya ni Mervin.
Sir Mervin:
So Wan, just free your schedules anytime this week ah. Cause I will be asking you to come back here for an exam for the job, and that would be any day this week.
Wan:
Ok sir I will…
Sir Mervin:
If you have no more questions, you may now go…
Wan:
Thank you very much sir.
Nakangiting lumabas ng FilcocksBuilding si Wan. Satisfied naman sya sa nangyari sa interviews nya, ngunit dahil hindi nya alam ang sasakyan pabalik, pumara sya ng taxi.
Wan:
Manong, pakihatid naman po ako sa pinakamalapit na sakayan ng bus pa-Meronbang.
Taxi Driver:
Sige, dalhin kita sa SN Makate. Dun may sakayan ng bus pa-Meronbang.
Binagtas ni Wan ang Makate sakay ng taxing kanyang napara.
CHAPTER 4:Homecoming
Nakasakay agad si Wan ng bus ng mga 3:30 ng hapon. Dahil matrapik lagi sa ESDA, inabot sya ng 4:30 ng makarating ng Meronbang. Pagdating doon, dali-dali syang sumakay ng jeep pauwi. Swerte naman nya at nakasakay sya agad ng jeep pa-Muntingloofa, dahil makulimlim na at baka abutan pa sya ng malakas na ulan.
Sa minalas naman nya, ang driver pala ng jeep ay miyembro ng SKG (Suyod Kalye Gang). Tipong kahit isang pasahero na lang ang kulang, sige pa rin ito sa mabagal na pagtakbo at pagtawag ng kung sinu-sinong nakatayo sa gilid ng kalsada para maisakay. Sa inikli ng distansya at tinagal ng biyahe, nakarating si Wan sa Munisipyo ng Muntingloofa ng pasado 5:00. Pagbaba nya ng jeep, kasabay nyang bumaba ang libu-libong malalakas na patak ng ulan. Tumakbo sya patungo sa paradahan ng tricycle.
Pagdating sa paradahan, mahaba ang pila. Maswerte na naman sya at naka-sakay sya agad dahil special ang bayad nya. Sumakay sya agad at tinahak nila ang daan, kalaban ang malakas na ulan at hangin. Nang makarating sa labas ng village ang tricycle, biglang…
Tricycle:
PAAK!!!
Namatay ang makina na tricycle, pero ang lakas ng ulan di pa rin humihina.
Wan:
Manong ano yung pumutok?
Manong:
Hindi ko nga rin alam eh.
Pina-andar muli ng manong ang tricyle. Pagdating sa gitna ng unang kalsada…
Tricycle:
PAAK!!!
Pina-andar itong muli, tuloy ang byahe. Si Wan nakakaramdam na ng kaba – kaba na baka matusta sa muling pagputok ng tricycle at sa pagbuhos ng mala-bagyong ulan.
Pagdating sa main road ng village…
Tricycle:
PAAK!!!
Muli pina-andar ito ng manong, si Wan nagdadasal na. pagdating sa kanto paliko ng kanilang kalsada…
Tricylce:
PAAK!!!
Matagal bago ulit iyon napa-andar ng manong. Nagdadalawang-isip na si Wan kung bababa na lang ba sya dahil malapit na naman ang kanyang bahay. Ngunit napakalakas ng ulan. Maya-maya ay napa-andar ulit ang tricycle. Ilang segundo pa, nakarating rin sila tapat ng tindahan nila. Nagbayad sya ng sobra sa tricycle para sa hirap na dinanas ng manong. Sinundo sya ni Mama Ding na may dalang paying – ngunit nabasa pa rin sila.
Nakatungtong ng bahay si Wan ng 5:30 ng hapon, si Mama Ding hindi na naka-alis para mamili dahilsa ulan at sa oras ng dating ni Wan.